Ayon sa Xinhua News Agency, ang kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagpapalabas ng "Potsdam Proclamation." Isang news briefing ang idinaos kahapon ng hapon ng Pambansang Tanggapan ng Impormasyon ng Tsina para ilahad ang kalagayan, nilalaman, at katuturan ng naturang proklamasyon.
Noong ika-26 ng Hulyo 1945, ipinalabas ng Tsina, Amerika, at Britanya ang "Potsdam Proclamation," bagay na humimok sa Hapon na sumuko nang walang pasubali. Sa gayo'y lumitaw ang isang mahalagang dokumentong nakapaglatag ng kaayusang pandaigdig pagkatapos ng digmaan.
Ipinahayag ni Zhan Jianwen, mananaliksik ng Instituto ng Pananaliksik sa Pandaigdigang Batas ng Chinese Academy of Social Science, na nakapaglatag ang "Potsdam Proclamation" ng pundasyong pambatas para sa pagtatatag ng kaayusang pandaigdig pagkatapos ng digmaan. Aniya, malinaw nitong iniharap ang kapasiyahan ng paghawak sa mga natalong bansa na gaya ng Hapon. Dagdag pa niya, sa mga isyung kinabibilangan ng pagbibigay-limitasyon sa karapatan sa digmaan ng Hapon, pakikitungo sa mga bilanggo ng digmaan, at iba pa, ang proklamasyong ito ay may mahalagang katuturan para sa pangangalaga sa kapayapaan ng Asya at buong daigdig, aniya pa.
Salin: Li Feng