Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

El Nino makakabawas sa supply ng tubig

(GMT+08:00) 2015-08-03 17:31:05       CRI

ANG nagaganap na El Nino ay nakakaepekto sa supply ng tubig sa kalakhang Maynila at mga kalapit pook. Ayon kay Bb. Analiza S. Solis ng PAGASA, higit na madarama ang epekto ng El Nino sa Pilipinas sa darating na Oktubre hanggang sa Marso ng 2016.

Nangnangahuluhan ito ng kakaunting ulan bagama't may posibilidad na bumagyo ng mas malakas at magtaglay ng mas malalakas na hangin.

BAKA MAGRASYON NG TUBIG.  Sinabi ni Jeric Sevilla (gitna) ng Manila Water na nakababahala ang magiging epekto ng El Nino sa supply ng tubig sa kanilang nasasakupang bahagi ng Kalakhang Maynila at mga kalapit pook.  Sa idinaos na Tapatan sa Aristocrat, sinabi ni G. Sevilla na minamatyagan nila ang situasyon upang makapagpatupad ng programa para sa mga mamamayan.  Kabilang sa mga dumalo sina Fr. Benny Tuazon ng Archdiocese of Manila (kaliwa) at Engr. George Estioko (kanan) ng National Water Resource Board.  Dumalo rin sina Engr. Ronald Padua ng Manila Water Services, Inc. at Analiza S. Solis, isang weather specialist ng PAGASA.  (Melo M. Acuna)

Sinabi ni Jeric Sevilla na Manila Water Company na umaasa silang masisimulan ng pamahalaan ang paggawa ng iba pang mapapagkunan ng tubig sapagkat dumarami na ang kanilang kliyente tulad ng Maynilad Water Services Inc. Sana raw ay madagdagan na ang tubig na nagmumula sa Wawa Dam upang makatugon sa kanilang pangangailangan.

Sa panig ng Manila Water, halos natapos na nila ang pagpapalit ng tubo sa kanilang nasasakupan na may habang 5,070 kilometro.

Para kay Fr. Benny Tuazon ng Archdiocese of Manila, nakagugulat na kulang ang tubig sa Pilipinas samantalang maraming mapagkukunan ng tubig tulad ng Laguna de Bay. Ipinagtanong din kung puede nang pakinabangan ang desalination technology sa Pilipinas.

Ayon kina Engr. Ronald Padua ng Maynilad Water Services, Inc. at Jeric Sevilla ng Manila Water, kahit pa mapakikinabangan na ang desalination technology sa bansa, lubhang mahal ito at hindi kakayahin ng mga mamamayan.

Mas makabubuting maging masinop sa paggamit ng tubig.

Idinagdag pa ni Engr. Padua ng Maynilad Water Services, Inc., hindi madaling magpalit ng mga tubo ng tubig sapagkat mayroon silang nakamtang tubo mula sa Manila Waterworks and Sewerage Services o MWSS na mula pa noong 1890s.

Para kay Engr. George Estioko, nasusuri naman ng National Water Resources Board ang situasyon at mayroong regular na pagpupulong ang mga ahensya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Sa ngayon ay mayroon lamang water level na 180.54 na metro ang Angat dam at mangangailangan ng 197 metrong tubig sa pagtatapos ng taon.

Bago matapos ang buwan ng Setyembre, mangangailangang magdesisyon kung magrarasyon ng tubig. Kung darating sa pagrarasyon, hindi hindi makakatulad noong 1997-1998 na tumagal ng 12 oras. Mas maiksi sa 12 oras ang pagkawala ng tubig.

Ang Maynilad ay magbabawas ng water pressure sa ibang paraan tulad ng ika-labingdalawa ng hatinggabi hanggang ika-apat ng umaga. Maraming magagawa upang mapanatili ang supply ng tubig sa kalakhang Kamaynilaan at mga kalapit pook.

Hindi na sila nakapaglalabas ng mga permiso para sa deep well kung kaya naman ng Manila Water at Maynilad Water Services na tugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan.

Tiniyak ng Manila Water at Maynilad na ligtas ang kanilang tubig sapagkat mayroong treatment program para sa tubig na nagmumula sa kanilang regular na pinagkukunan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>