WALANG katotohanan ang lumabas na balita hinggil sa matataas na sahod ng ambassador ng Pilipinas na nakatalaga sa iba't ibang bansa. Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, ang COA Report on Salaries and Allowances sa taong 2014 hindi ito makatotohanan sapagkat ang mga ambassador ng Pilipinas tulad ng ibang mga kawani ng serbisyo sibil ng bansa, ay tumatanggap ng sahod ayon sa Salary Standardization Law.
Ang mga ambassador ay nabibigyan ng official residences sa oras na maitalaga sa ibang bansa. Ang arkila sa bahay ay sagot ng pamahalaan sa may-ari ng tahanan at hindi sa ngalan ng ambassador.
Lahat ng allowances ng mga ambassador ay sumusunod sa United Nations Index System ayon sa living standards at economic conditions na kinalalagyan ng mga embahada at konsulada ng Pilipinas.