Ayon sa datos na isinapubliko kamakailan ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, mula noong Enero hanggang Hunyo ng taong ito, umabot sa halos 48.9 na bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng kalakalan ng pag-aangkat at pagluluwas ng Tsina at Malaysia. Ito ay mas malaki ng 1.6% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Kabilang dito, halos 22.8 bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pagluluwas ng Tsina sa Malaysia na mas malaki ng 7.1%, at halos 26 na bilyong dolyares ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Tsina mula sa Malaysia na mas mababa ng 2.8% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.
Bukod dito, ang Malaysia ay nananatili pa ring pinakamalaking trade partner ng Tsina sa mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng