Hinimok kahapon ni Tomiichi Murayama, Dating Punong Ministro ng Hapon si Shinzo Abe, kasalukuyang Punong Ministro na ganap na manahin ang Murayama Statement na ipinahayag ng una noong 1995 bilang paggunita sa ika-50 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII).
Ipinahayag ng dating punong ministrong Hapones ang nasabing panawagan sa isang rali na pinamagatang "Murayama Statement at Ika-70 Anibersaryo ng WWII: Hindi Matatamo ang Kapayapaan sa Pamamagitan ng Digmaan." Mahigit 400 kinatawan mula mula sa iba't ibang sektor ng Hapon ang lumahok sa nasabing rali.
Idinagdag ni Murayama na ikinababalisa ng mga mamamayang Hapones at komunidad ng daigdig ang pananalita ni Abe na hindi ito ganap na mananangan sa Murayama Statement.
Mababasa sa Murayama Statement ang pagsisisi ng Hapon sa mapanalakay na kasaysayan nito noong WWII at paghingi ng paumanhin sa mga nabiktimang bansang Asyano. Inulit ni Murayama na ang statement na ito ay nagpakita ng opisyal na desisyon dahil pinagtibay ito ng Gabinete noon.
Salin: Jade