Sa Jakarta — Mula kahapon hanggang samakalawa, idinaos ang Ika-35 ASEAN Police Sergeant Conference. Tatalakayin sa pulong ang tungkol sa kung paanong haharapin ang drug smuggling, cyber crime, teroristikong aksyon, at iba pang aksyong kriminal.
Dumalo sa nasabing pulong ang mga kinatawan mula sa Brunei, Pilipinas, Biyetnam, Cambodia, Malaysia, Laos, Myanmar, Singapore, Thailand, New Zealand, Hapon, Australia, Tsina, Timog Korea, Rusya, at International Criminal Police Organization (ICPO).
Sa seremonya ng pagbubukas, ipinahayag ni Jusuf Kalla, Pangalawang Pangulo ng Indonesia, na sa pangangalaga sa seguridad ng ASEAN, kailangang magbahaginan ang iba't-ibang bansa ng kanilang impormasyon para harapin ang mga kriminal na aksyon.
Salin: Li Feng