NANGANGAMBA si Fr. Edwin Gariguez, Executive Secretary ng CBCP National Secretariat of Social Action, Justice and Peace na magamit ang nakalaang pondo para sa mga binagyo noong Nobyembre 2013 sa darating na halalan.
Ang dahilan ng pagkabahala ni Fr. Gariguez ay ang lubhang bagal ng paglalabas ng pondo sa ilalim ng Comprehensive Rehabilitation and Recovery Plan para sa mga biktima ni "Yolanda."
Nangangamba ang pari na sa tagal ng paglalabas ng pondo, malaki ang posibilidad na ilabas ito sa darating na halalan..
Ayon sa pagsusuring ginawa ng NASSA/Caritas Philippines, umabot lamang sa P 73.51 bilyon o 41.61% ng buong P 170 bilyong pondo ang nailabas noong nakalipas na Marso 2015.
Unang lumabas ang balitang ang pondong inilabas ng Department of Budget and Management ay pinaghatian pa ng iba pang mga kalamidad tulad ng lindol na naganap sa Bohol noong ika-15 ng Oktubre 2013.