ANG mabagal na paggalaw ng presyo ng pagkain, kuryente at petrolyo ang nagpababa ng inflation sa pinakamababang antas sa nakalipas na 20 taon noong Hulyo ng taong ito.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, ang headline inflation ay bumaba sa 0.8% mula sa 1.2% noong Hunyo at 4.9% nnoong Hulyo ng 2014.
Nanatiling mababa ang inflation at matatag sa unang semestre ng 2015 samantalang ang paghahambing mula sa Enero hanggang Hunyo ng 2014 at mas mababa sa inflation target range na 2.0 hanggang 4.0% na itinakda ng pamahalaan para sa taong 2015.
Ayon kay NEDA Director General at Economic Planning Secretary Arsenio M. Balisacan, sa paggamit ng base year na taong 2006, pinakamababa ang inflation rate noong nakalipas na Hulyo para sa buwanang inflation rate mula noong 1995 hanggang 2015.
Ang headline inflation sa food subgroup ay lumuwag pa noong Hulyo ng taong ito mula sa 1.3% mula sa 2.1% noong Hunyo.