MARAMING mga taga-Maguindanao ang lumilikas mula sa kanilang mga tahanan dahil sa kaguluhan at mga pagbaha kaya't lalong naghihirap ang mahihirap at 'di pa maka-aangat sa kanilang kinasasadlakan.
Ito ang ibinalita ng United Nations Office for the Coordination of Humanitarian Affairs sa mga naganap noong buwan ng Hulyo. Kagabi lamang nila inilabas ang kanilang pagsusuri.
Nanawagan ang United Nations Special Rapporteur on Internally Displaced Persons na magkaroon ng pinasiglang tuloy sa mga katutubo sa Mindanao.
Ibinalita pa ng United Nations na ang pagsidhi ng El Nino ay maaaring maging dahiulan ng pagkatuyo ng mga sakahan at kakulangan ng tubig sa ilang bahagi ng bansa at magiging dahilan ng kakaibang pagkilos ng mga bagyo.
Isinagawa rin ng pamahalaan ang kauna-unahang Metro Manila earthquake drill, noong nakalipas na linggo.