MALAMANG na magbago ang usapin laban kay Ma. Cristina P. Sergio at Julius Lacanilao matapos umatras ang isang nangangalang Ana Marie S. Gonzales na isang tubong Talavera, Nueva Ecija.
Ayon kay Atty. Howard Areza, sa kanyang sinumpaang salaysay na nakarating sa Public Attorney's Office, sinabi ni Gng. Gonzales na isa isa sa tatlo kataong nagreklamo ng Illegal Recruitment laban sa magkasintahan sa Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 37.
Hindi na umano siya interesadong ipagpatuloy ang demanda laban sa dalawa kaya't hinihiling niya sa hukom na pawalang-bisa ang kanyang demanda laban sa magkasintahan.
Kusang-loob umano siyang dumulog samantalang ginagawa ang sinumpaang salaysay at mayroong maliwanag na kaisipan at ayon na rin sa kanyang sariling kagustuhan.
Sa oras na sumang-ayon ang hukuman, hindi na large-scale illegal recruitment ang usapin at magiging illegal recruitment na may posibilidad na makapag-piyansa. Naakusahan ang magkasintahan sa pagkakahatol ng kamatayan kay Mary Jane Veloso, ang drug courier na nadakip sa Indonesia ay nahatulan ng kamatayan.