|
||||||||
|
||
Sa Kazan, Rusya—Sa men's 100m freestyle final ng 2015 FINA World Championships na idinaos dito kagabi, napagwagian ng atletang Tsino na si Ning Zetao ang titulo sa oras na 47.84 segundo. Siya ang unang kampeong pandaidig sa Asya sa naturang event.
22 taong gulang na si Ning Zetao, at siya ay miyembro ng swimming team ng Hukbong Pandagat ng People's Liberation Army (PLA) na nagmemedyor sa short-distance freestyle.
Noong ika-23 ng Setyembre, 2014, nakuha ni Ning ang medalyang ginto sa men's 50m freestyle final sa ika-17 Asian Games. At 2 araw pagkaraan nito, naging kampeon muli siya sa men's 100m freestyle sa oras na 47.70 segundo. Hindi lamang siyang lumikha ng bagong rekord sa Asian Games, kundi siya rin ang unang Asyano na may mas mababa sa 48 segundo na resulta sa naturang event.
Bukod sa kanyang talento sa paglangoy, ang guwapong guwapong mukha at anyo ng katawan ni Ning ay isa pang dahilan kung bakit siya may maraming fans, lalong lalo na, mga female fans. Tinatawag siyang "xiao xian rou," o "fresh meat."
Ayon sa isang questionnaire survey na ginawa ng Inchon Asian Games News Service, itinuring ng 100 mamamahayag si Ning Zetao na pinakaguwapong atletang lalaki sa Inchon Asian Games.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |