Ayon sa panig opisyal ng Myanmar, hanggang kagabi, mahigit 100 katao ang naitalang namatay dahil sa napakalaking baha sa bansa, at halos 1 milyong mamamayan mula sa halos 220 libong pamilya ang naaapektuhan. Ipinahayag ng panig opisyal ng Myanmar na sa kasalukuyan, puspusang nakikibaka ang iba't-ibang sirkulo ng bansa laban sa baha, at magkakasunod ding nagkakaloob ng tulong ang komunidad ng daigdig sa Myanmar.
Pagkaraang maganap ang baha sa Myanmar, agarang nagkaloob ng tulong ang Pamahalaang Tsino sa mga apektadong mamamayan. Ang Blue Sky Rescue Team ng Tsina ay nagsilbing unang pandaigdigang grupong panaklolo na dumating sa binahang lugar ng Myanmar para sumaklolo.
Salin: Li Feng