Ipinatalastas kamakailan ng Bangko Sentral ng Indonesia ang pagpapanatili ng benchmark interest rates sa 7.5%, at ipagpapatuloy ang term deposit interest rate sa 5.5% at lending rate sa 8%. Anang bangko, hindi magbabago ang mga ito. Nitong nagdaang kalahating taong singkad, napanatili ng Bangko Sentral ng Indonesia ang nasabing benchmark interest rates.
Ipinahayag ni YatiKurniati, Manager ng Macro Measures ng Bangko Sentral ng Indonesia, na ang pagpapanatili ng benchmark interest rates ay naglalayong katigan ang pamahalaang sentral at lokal sa pagsasakatuparan ng badyet at gastos para maisagawa ang mga may-kinalamang konstruksyon.
Bilang tugon sa tuluy-tuloy na pagbaba ng exchange rate ng Rupiah, ipinahayag ni YatiKurniati na kung kailangan, isasagawa ng kanyang bangko ang hakbangin para mapatatag ang exchange rate ng Rupiah.
Salin: Li Feng