Dumaluhong kamakailan sa Taiwan ang "Soudelor," ika-13 bagyo sa taong ito.
Pagkatapos ng bagyo, mabilis na sumikat ang bagong atraksyon sa Taiwan tampok ang isang pula at isang luntiang postal box sa kalye ng Taipei. Sanhi ng malakas na bagyo, tumabingi at tila yumuyuko ang naturang dalawang postal box. Ang nakatutuwang anyo nila ay nakakahikayat ng pagbisita ng maraming mamamayan.
Napag-alaman, posibleng iwan sa ganitong kalagayan at hindi na aayusin ng awtoridad ng Taiwan ang dalawang balikong mail box.
Kahit malaki ang epekto ng likas na kapahamakan sa pamumuhay ng mga tao, tiyak na pananaigan ang lahat ng mga kahirapan kung may optimistikong atityud.
Salin: Vera