Lumisan kahapon ng Shanghai ang isang grupo ng Shanghai Salvage Company ng Tsina, papunta sa Timog Korea para lumahok sa proyekto ng pagsalba sa labi ng lumubog na bapor na "Sewol" ng Timog Korea.
Bukod dito, sumama sa grupong Tsino ang isa pang grupo ng Ocean C&I ng Timog Korea para magkasamang isagawa ang naturang proyekto.
Ang nasabing proyekto na mag-aahon sa lumubog na bapor ay tatagal nang halos isang taon.
Noong ika-16 ng Abril ng taong 2014, lumubog ang bapor na "Sewol" ng Timog Korea sa rehiyong pandagat sa paligid ng Jindo Island ng Jeollanam-do ng bansang ito. 285 katao ang nasawi at 9 ang nawawala pa rin hanggang sa kasalukuyan.