Idinaos kahapon sa Britanya ang mga aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng World War II (WWII) at digmaan laban sa Hapon.
Ang naturang mga aktibidad ay magkahiwalay na idinaos sa mga lunsod ng Britanya na gaya ng London, Edinburgh, Cardiff, Belfast, at Portsmouth.
Dumalo sa aktibidad na idinaos sa St. Martin-in-the-Fields sa London sina Queen Elizabeth II, Punong Ministro David Cameron, at mga beterano ng WWII. Nag-alay sila ng mga korona para sa mga tao na namatay sa digmaan laban sa hukbong Hapones noong panahong iyon.
Sinabi ni Cameron na noong WWII, napakaraming Britanyano ang namatay sa digmaan sa Fareast Asia na nakatuon sa Hapon. Aniya pa, nagbigay sila ng malaking ambag para pangalagaan ang kalayaan ng Britanya.