|
||||||||
|
||
Ayon sa datos hanggang alas-nuwebe (9:00) ngayong umaga, 114 katao na kinabibilangan ng 21 bombero ang namatay sa pangyayari, at 70 iba pa ang nawawala.
Bago magpulong, pinangunahan ni Premyer Li ang mga kasamang opisyal at tauhan na mag-alay ng ilang minutong katahimikan bilang pagbibigay-galang sa lahat ng mga namayapa sa pagsabog.
Hiniling niya sa mga may-kinalamang departamento na ipagpatuloy ang paghahanap at pagliligtas.
Inutusan din niya ang investigation team na ipinadala ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina na buong-sikap na suriin ang dahilan ng pagsabog at parusahan ang mga malubhang nagpabaya sa kanilang responsibilidad.
Ayon sa pinakahuling ulat ngayong umaga mula sa isang opisyal ng Filipino Community sa Tianjin na nasa maayos na kalagayan ang mga OFW doon.
Naganap noong ika-12 ng buwang ito ang malakas na pagsabog sa isang warehouse sa Tianjin kung saan nakaimbak ang mga delikadong kemikal.
Salin/editor: Jade
Tagapagpulido: Rhio
Gawain ng paghahanap at pagliligtas, patuloy sa Tianjin
Si Premyer Li (nakaupo) habang kinukumusta ang mga residenteng apektado ng pagsabog
Si Premyer Li (nasa kaliwa) habang kinukumusta ang mga residenteng apektado ng pagsabog
Si Premyer Li (ika-2 sa kanan) habang nagbibigay-galang sa mga bombero
Si Premyer Li (sa harap) habang nag-iinspek sa environment monitoring work malapit sa lugar ng pagsabog
Sulyap sa lugar ng pagsabog
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |