Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Paghahanap at pagliligtas, pagpigil sa polusyon at paggagamot at paglilikas ng tao: Priyoridad sa aftermath ng pagsabog sa Tianjin

(GMT+08:00) 2015-08-18 11:42:25       CRI
Libu-libong rescuers, sundalo at tauhang medikal ang ipinadala sa Tianjin, port city sa dakong hilaga ng Tsina, na niyanig ng pagsabog ng imbakan, para maghanap ng mga nawawala, suriin at pigilan ang pagkalat ng mga delikadong kemikal, at gamutin ang mga sugatan.

Kasuwalti

Ayon sa pinakahuling datos, 114 katao ang namatay sa pangyayari, 692 ang ginagamot sa ospital at 57 iba pa ang nawawala.

Batay sa DNA tests, sa 114 na nasawi, 83 ang kinilala na kinabibilangan ng 50 bombero, 6 na pulis at 27 karaniwang tao. Mayroon pang 31 bangkay ang hindi pa nakikilala.

Ang 57 nawawala ay kinabibilangan ng 52 bombero at 5 pulis.

Ayon sa opisyal lokal sa Tianjin, ang mga nakakalasong kemikal sa loob at paligid ng lugar ng pagsabog ay inalis na kagabi.

Ang mga dalubhasang kemikal, biokemikal at pangkapaligiran ay nagsusuri ng kalagayan ng hangin at mga ilog malapit sa lugar ng pagsabog.

Pagluluksa sa ika-7araw ng pagsabog

Ngayong araw ay ika-7 araw ng pagsabog sa Tianjin.

Batay sa tradisyong Tsino, sa okasyong ito, nagluluksa at ipinagdarasal ng mga tao ang mga nasawi para sumalangit ang kanilang kaluluwa.

Simula mga alas-nuwebe (9:00) ngayong umaga, ang mga tao mula sa iba't ibang sektor ng Tianjin ang lumahok sa seremonya ng pagluluksa para bigyang-galang ang mga namapaya, sa mga magkakahiwalay na lugar.

Isang sundalong ang nag-aalay ng bulaklak sa seremonya ng pagluluksa sa isang parke sa Tianjin (Xinhua/Yue Yuewei)

Idinaos ang seremonya ng pagluluksa sa mga biktima sa Teda Hospital na malapit sa lugar ng pagsabog (Xinhua/Chen Yichen)

Umiiyak ang isang tauhang medikal sa seremonya ng pagluluksa sa Teda Hospital (Xinhua/Chen Yichen) 

Mga bomberong kalahok sa seremonya ng pagluluksa na idinaos sa isang memorial hall para sa mga nasawing bombero (Xinhua/Liu Dong)

Mga residenteng lokal habang dumadalo sa seremonya ng pagluluksa sa Kangcui community na malapit sa lugar ng pagsabog (Xinhua/Bai Yu)

Mga apektado

Humigit-kumulang 17,000 kabahayan, at 1,700 bahay-kalakal ang apektado ng pagsabog. Di-kukulangin sa 6,000 residenteng lokal ang inilikas.

Accountability at transparency

Sa kasalukuyan, nabuo na ang grupo ng imbestigasyon para suriin ang dahilan at mananagot sa pangyayari. Kabilang sa mga tagapagsiyasat ay pangalawang ministro ng kaligtasang pampubliko, mga dalubhasa at tagausig.

Sa kanyang inspeksyon sa lugar ng pagsabog nitong nagdaang Linggo, hiniling ni Premyer Li Keqiang ng Tsina sa mga may-kinalamang departamento na lubusan at napapanahong isapubliko ang mga impormasyon hinggil sa kalidad ng hangin, tubig at lupa sa paligid ng lugar ng pagsabog.

Dalawang sundalo ng National Nuclear Biochemical Emergency Rescue Team ang kumukuha ng debris samples malapit sa pinakasentro ng pagsabog; larawang kinunan noong Aug. 15, 2015 (Xinhua/Wang Haobo)

Isang sundalo ng National Nuclear Biochemical Emergency Rescue Team ang kumukuha ng debris samples malapit sa pinakasentro ng pagsabog; larawang kinunan noong Aug. 15, 2015 (Xinhua/Wang Haobo)

Pambansang pagsusuring panseguridad

Makaraang maganap ang trahedya, inutusan din ng Konseho ng Estado o Gabinete ng Tsina, ang mga pamahalaan sa iba't ibang antas ng bansa na palakasin ang paghawak at pagkontrol sa mga delikado at nakakalasong kemikal at pampasabog.

Tagapagsalin/editor: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>