Ministring Panlabas ng Tsina: walang nababatid na iskedyul hinggil sa pagdalaw ng PM ng Hapon sa Tsina
(GMT+08:00) 2015-08-19 15:41:27 CRI
Kaugnay ng ulat na inilabas kahapon ng pahayagang Mainichi Shimbun ng Hapon na nagsasabing magsasagawa si Punong Ministro Shinzo Abe ng bansang ito ng pagdalaw sa Tsina na sisimulan sa hapon ng ika-3 ng susunod na buwan, sinabi ngayong araw ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi nito nababatid ang hinggil sa iskedyul na ito.
Samantala, ipinahayag naman kahapon ng Ministring Panlabas ng Hapon na walang naiulat na naturang pangyayari ang Mainichi Shimbun.