Bilang tugon sa pahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon kaugnay ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng Ikalawang Pandaigdig na Digmaan, sinabi kahapon ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat malinaw ang pahayag ng Hapon hinggil sa katangian ng digmaang mapanalakay na inilunsad ng mga militaristang Hapones at responsibilidad nito sa digmaan, matapat na hingin ang paumanhin sa mga mamamayan ng iba't ibang bansang nabiktima sa digmaan, at ganap na itakwil ang nakaraang militarismo.
Ipinahayag din ni Hua na ang tumpak na pagkilala at pakikitungo ng Hapon sa kasaysayan ng pananalakay ay mahalagang pundasyon ng pagpapabuti nito ng relasyon sa mga kapitbansa sa Asya. Aniya, hindi dapat pagtakpan ng Hapon ang mahalagang isyung ito.
Salin: Liu Kai