"Inaasahang pagsisisihan ng Hapon ang kasaysayan at lilikha ito, kasama ng mga kapitbansa, ng magandang hinaharap ng rehiyon." Ito ang ipinahayag kahapon ni Stephane Dujarric, Tagapagsalita ni Pangkalahatang Kalihim Ban Ki-moon ng United Nations(UN) sa inaantabayanang pahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon hinggil sa ika-70 anibersaryo ng WWII. Ani Stephane Dujarric, umaasa ang UN na magiging karanasan at isang pagkakataon ang paggunita sa WWII, para isaisip ang kasaysayan at suportahan ang magkasamang pag-unlad ng komunidad ng daigdig.
Noong 1995 at 2005, nagpalabas ng talumpati ang mga dating Punong Ministrong Hapones bilang tugon sa WWII, kung saan pinagsisihan nila ang pananalakay at humingi ng paumanhin sa mga nabiktimang bansa.