Ang kauna-unahang China—ASEAN Disability Forum ay gaganapin sa ika-17 ng susunod na buwan sa Nanning, punong lunsod ng rehiyong awtonomo ng lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina. Ang tema ng porum na ito ay "Pagpapasulong ng pantay na pakikilahok at pag-unlad ng mga taong may kapansanan."
Sa pamamagitan ng pagtataguyod ng porum na ito, umaasa ang panig Tsino na maitatatag ang mekanismong pangkooperasyon ng usapin ng mga may kapansanan sa Tsina at ASEAN. Imumungkahi ng panig Tsino na itatag ang liaison office sa suliranin ng mga may kapansanan, at itatag din ang plataporma ng pagpapagaling at pagsasanay ng mga differently-abled people sa pagitan ng Tsina at ASEAN, at magkakasamang isasagawa ang pagsasanay hinggil sa pagsisimula ng negosyo at paghanap-trabaho ng mga taong ito.
Sa panahon ng nasabing porum, ibabahagi ng panig Tsino ang mga may-kinalamang kagamitan sa mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng