Ayon sa Xinhua News Agency, pagkaraang aprobahan at lagdaan ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, isinapubliko kamakailan ng Konseho ng Estado ng Tsina ang "Marine Main Functional Area Planning." Ang planong ito ay mahalagang bahagi ng "Main Functional Area Planning." Ito rin ang programme ng aksyon sa siyentipikong paggagalugad at pagsasaayos ng kalawakang pandagat ng bansa, at mahalagang estratehikong hakbangin para malalimang isagawa ang estratehiya, at buong tatag na isagawa ang sistema ng main functional area.
Ang pagsasapubliko at pagsasagawa ng nasabing plano, ay sumasagisag na naisakatuparan ng estratehiya ng main functional area ng bansa ang pagsaklaw sa buong pambansang kalawakang panlupa at pandagat. Ito ay may mahalagang papel sa pagpapasulong ng mabisang pagkokoordinahan ng lupa at dagat, kayarian ng paggagalugad ng pambansang kalawakang may sustenableng pag-unlad. Bukod dito, ito ay may mahalagang estratehikong katuturan para sa pagsasagawa ng estratehiyang pandagat ng bansa, pagpapataas ng kakayahan ng paggagalugad sa dagat, pagbabago ng porma ng pag-unlad ng dagat, pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng dagat, at pangangalaga sa karapatan at interes ng bansa sa dagat.
Salin: Li Feng