Kahapon (ika-20 ng Agosto) ay Magpie Festival o kilala rin bilang Chinese Valentine's Day. Isang exhibition ng mga memento at ala-ala ng mga nabigong pag-ibig ang idinaos kahapon sa Ningbo, lunsod ng lalawigang Zhejiang ng Tsina. Ipinakita sa eksbisyong ito ang mga lumang bagay, at kuwento hinggil sa pagkawala ng iniibig.
Halos 100 eksibit ang idinispley sa nasabing eksbisyon. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga love letters, cross-stitch, paper crane, manika, mobile phone, at iba pa. Ang mga ito ay pawang nakolekta on-line.
Ipinahayag ni Shun Jiandong, namamahalang tauhan ng nasabing eksbisyon, na ang pagtataguyod ng aktibidad na ito ay naglalayong palaganapin ang positive energy. Umaasa aniya siyang mamahalin ng mga bisita ang kanilang kasalukuyang nobya o nobyo.
Lugar na pinagdausan ng eksbisyon.
Salin: Li Feng