Sa Milan Expo 2015, Italya—idinaraos dito ang Silk Road China Art Show. Itinanghal sa naturang art show ang mga katangi-tanging cheongsam gamit ang seamless lace technique.
Ang seamless lace technique ay nilikha ng isang Tsinong mangangalakal na si Liu Shuangwu. Ilang milyong tahi at pagbuburda ang kinakailangan para matapos ang isang seamless garment. Tumatagal ng ilang buwan ang buong proseso ng produksyon ng isang kasuotan. Ang seamless lace technique ay nagkakaloob ng napakalaking espasyo para sa imahinasyong pansining ng mga tagapagdisenyo.
Salin: Vera