Binuksan ngayong araw sa Kuala Lumpur, Malaysia, ang Ika-47 Pulong ng mga Ministro ng Kabuhayan ng ASEAN. Tatalakayin sa pulong ang hinggil sa kalagayan ng pagtatatag ng ASEAN Economic Community, at ASEAN Post-2015 Economic Vision.
Sa seremonya ng pagbubukas ng pulong, sinabi ni Mustapa Mohamed, Ministro ng Kalakalang Pandaigdig at Industriya ng Malaysia, na patuloy na pasusulungin ng ASEAN ang integrasyong pangkabuhayan, para ibayo pang paliitin ang agwat sa pag-unlad sa pagitan ng iba't ibang kasaping bansa, at palakasin ang pakikipag-ugnayan ng ASEAN sa mga dialogue partner nito.
Sa panahon ng pulong na ito, idaraos din ng ASEAN, kasama ng Tsina, Hapon, at Timog Korea, ang mga pulong ng ministro ng kabuhayan ng "10 plus 1" at "10 plus 3," pulong ng mga ministro ng kabuhayan ng East Asia Summit, at ministeryal na pulong hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership.
Salin: Liu Kai