|
||||||||
|
||
Sinabi kahapon ni Li Shishi, Direktor ng Komisyon sa mga Suliraning Lehislatibo ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan (NPC), punong lehislatura ng Tsina, na sinusuri ng mga mambabatas na Tsino ang posibleng pagpapatawad na opisyal o official pardon para sa ilang bilanggo.
Apat na uri ng kriminal na posibleng bigyan ng amnestiya
Ayon kay Li, sa diwa ng paggunita ng ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII), may posibilidad na bigyan ng amnestiya ang mga sumusunod na apat na kategoriya ng mga kriminal.
Una, ang mga kriminal na nakisanggot sa Digmaan ng Tsina laban sa Mananalakay na Hapones at sa Digmaang Sibil laban sa Kuomintang.
Ikalawa, ang mga kriminal na nakilahok sa mga digmaan para ipagtanggol ang soberanya, seguridad at kabuuan ng teritoryo ng bansa makaraang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949.
Ikatlo, mga kriminal na 75 taong gulang o mas matanda at may kapansanang piskal na hindi maaaring mag-alaga sa kanilang sarili.
Ikaapat, mga kriminal na nagsagawa ng krimen bago umabot ang edad na 18 taong gulang at binigyan ng di-higit sa 3 taong pagkakabilanggo o di na aabot sa isang taon ang natitirang sentensiya.
7 amnestiya sapul noong 1949
Ayon din kay Li, ang amnestiya ay isang pambansang sistema na nag-aalis o nagbabawas ng kaparusahang kriminal, at ito rin ay sistemang humanitaryan, batay sa international practices.
Hanggang sa kasalukuyan, ipinatalastas na ng Tsina ang pitong amnestiya batay sa Saligang Batas ng bansa sapul nang itatag ang Republika ng Bayan ng Tsina noong 1949. Batay sa Saligang Batas, ang Pirmihang Lupon ng NPC ay may kapangyarihang magpasiya ng amnestiya, at ang Pangulo ay magbababa ng kautusan.
Mga bilanggong babae na bumisita sa flower nursery sa Ningxia, rehiyong awtonomo sa dakong kanluran ng Tsina. File photo na kinunan noong April 2, 2015. (Xinhua/Li Ran).
Tagapagsalin/Editor: Jade
Tagapagpulido: Mac
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |