Ayon sa Xinhua News Agency, sa ika-6 na news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina hinggil sa aktibidad ng paggunita sa ika-70 Anibersaryo ng Tagumpay ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay ng Hukbong Hapones at World War II (WWII), isinalaysay ni Qu Rui, Pangalawang Puno ng Tanggapan ng Grupong Pamumuno ng Parade, na hanggang sa kasalukuyan, tiniyak na ng 11 bansa ang pagpapadala ng mga square teams sa paglahok sa parade ng Tsina, at tiniyak din ng 6 na bansa ang pagpapadala ng mga kinatawan sa paglahok sa parade. Bukod dito, ipinahayag ng 31 bansa na ipapadala ang kanilang militar na delegasyong tagamasid sa nasabing parade.
Ipinahayag ni Qu na ang pagpapadala ng mga dayuhang hukbo ng square teams, kinatawan, at delegasyong tagamasid sa paglahok sa parade, ay nagpapakita ng internationalism ng paggunita sa tagumpay ng WWII. Ipinakikita rin aniya nito ang hangarin at pag-asa ng daigdig sa pangmalayuang kapayapaan.
Salin: Li Feng