|
||||||||
|
||
Ang ika-2 ng Setyembre ng kasalukuyang taon ay ika-70 anibersaryo ng pagsuko ng Hapon, ito rin ang ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng digmaan ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng hukbong Hapones at World War II (WWII). Kasabay ng paggunita ng Tsina at buong daigdig sa naturang tagumpay, muli nilang isinasaisip ang trahedya at aral na ibinigay ng digmaan sa buong sangkatauhan. Bunga nito, puwedeng maalaala ng mga tao ang kasaysayan at mahalin ang kasalukuyang kapayapaan.
Sapul nang ilunsad ng tropang Hapones ang Pacific war noong ika-7 ng Disyembre 1941, sinakop ng tropang Hapones ang rehiyong Timog Silangang Asya sa loob ng anim (6) na buwan. Pagkatapos ay isinagawa ng tropang Hapones ang pagsakop at pang-aapi sa mga mamamayan ng rehiyong ito. Lubos nitong ipinakita ang kasamaan ng pasismo.
Ayon kay He Xincheng, mananaliksik ng instituto ng pananaliksik sa militar ng daigdig ng Chinese Academy of Military Science, kung pinag-uusapan ang mga krimen ng tropang Hapones sa Timog Silangang Asya, naaalala ng maraming tao ang "Bataan Death March" at "Thai-Burma Railway Death Railway." Dahil sa "Bataan Death March," di-kukulangin sa 15 libong Amerikano at Pilipinong bilanggo sa digmaan ang napatay. Ang pagtatatag ng "Thai-Burma Railway Death Railway" ay ikinasawi ng 16 libong bilanggo ng Allied Forces at 90 libong manggagawa ng Timog Silangang Asya.
Bukod dito, isinagawa ng tropang Hapones ang "Manila Massacre" at "Singapore Massacre."
Mayaman sa likas na yaman at enerhiya ang Timog Silangang Asya, ang langis, goma, mina, pagkain, cotton, at iba pa, ay pawang mahahalagang estratehikong materyal. Ngunit inangkin ang mga ito ng tropang Hapones. Dahil sa digmaan, binago rin ng tropang Hapones ang estrukturang pangkabuhayan ng Timog Silangang Asya, iniutos nilang gawing priyoridad ang paglikha ng mga military supplies na nagresulta ng kakulangan ng pagkain at malawakang pagkakagutom sa rehiyong ito.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |