|
||||||||
|
||
Handa na ang mga gawain para sa aktibidad bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng War of Resistance Against Japan.
Ipinahayag ni Zhang Ming, Pangalawang Ministrong Panlabas ng Tsina, na tiyak na dadalo sa naturang aktibidad ang mga lider ng 30 bansa at 10 organisasyong pandaigdig at panrehiyon. Bukod dito, ipapadala rin ng mga pamahalaan ng 19 na bansa ang mga mataas na kinatawan para dumalo sa naturang aktibidad.
Sinabi pa niyang dadalo rin sa aktibidad ang mahigit 100 dayuhang kaibigan na tumulong sa Tsina noong panahon ng digmaan.
Bukod dito, sinabi ni Qu Rui, opisyal ng General Staff Department ng People's Liberation Army (PLA) ng Tsina, na bukod sa tropang Tsino, lalahok ang mga tropa ng iba pang 17 bansa sa paradang militar ng naturang aktibidad.
Sinabi niyang ito ay nagpapakita ng hangarin at pagsisikap para sa pangmatalagang kapayapaan ng daigdig, at mainam na kooperasyon ng mga hukbo ng Tsina at ibang mga bansa.
Ayon pa sa ulat, upang pasalamatan ang historikal na ambag ng mga overseas Chinese noong panahong iyon, dadalo rin sa naturang aktibidad ang 1779 na kinatwan ng mga overseas Chinese mula sa mahigit 120 bansa.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |