Binuksan kahapon sa Beijing ang pagtatanghal ng mga historikal na dokumento at larawang nagpapakita ng kooperasyon ng Tsina at Rusya noong panahon ng World War II (WWII) bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng tagumpay ng WWII.
Ang naturang pagtatanghal ay magkasamang itinataguyod ng State Archives Administration ng Tsina at Archive Bureau ng Rusya.
Ang pagtatanghal ay nagpapakita kung paano nagbigay ng tulong ang dating Soviet Union sa Tsina na gaya ng pagsuplay ng mga sandata, at pagpapadala ng mga tagapayong militar at tropa na direktang sumama sa digmaan laban sa mananalakay na Hapones.
Bukod dito, ipinakikita rin ng pagtatanghal ang mga tulong ng Tsina sa Rusya noong WWII na gaya ng pagkaloob ng mga impormasyon, at mga resources at pagpadala ng mga kawal na direktang lumahok sa tropang Ruso sa digmaan laban sa Alemanya.