Inilabas ngayong araw ng People's Daily ang komentaryo para ilahad ang kahalagahan ng kaunlaran, katatagan at kaligtasan ng Tibet.
Mula ika-24 hanggang ik-25 ng buwang ito, idinaos ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) ang working meeting hinggil sa Tibet para ibayo pang pasulungin ang sustenableng pag-unlad at pangmatagalang katatagan ng Tibet at mga lugar na panirahan ng mga Tibetano.
Ayon sa naturang komentaryo, isasagawa ng Tsina ang mga hakbangin para rito na gaya ng pagpapasulong ng mapayapang pakikipamuhayan ng mga lahi sa Tibet, pangangalaga sa relihiyon, pagpapabuti ng pamumuhay ng mga mamamayang lokal, at pagpapaunlad ng lipunan.
Ngayong taon ay ang ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng Rehiyong Awtonomo ng Tibet. Sapul nang isagawa ng Tsina ang reporma at pagbubukas sa labas noong 1980s, idinaos ng CPC ang limang beses na working meeting hinggil sa Tibet para pasulungin ang katatagan at kaunlaran ng Tibet.