Ipinalabas ngayong araw ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina ang white paper na pinamagatang "Tibet's Path of Development Is Driven by an Irresistible Historical Tide." Tinukoy nitong ang esensya ng "middle way" ay pagpapawatak-watak ng Tsina, at ito ay salungat sa pundamental na kapakanan ng lahat ng mga mamamayang Tsino na kinabibilangan ng mga Tibetano.
Anang white paper, pagkaraan ng katapusan ng ika-7 dekada ng ika-20 siglo, kasabay ng paghupa ng tensyon sa relasyong Sino-Amerikano, sinimulang baguhin ng ika-14 Dalai group ang estratehiya nito sa "pagsasarili ng Tibet," at iniharap ang umano'y "middle way." Nang ipalaganap ng Dalai group ang paninindigan nito hinggil sa "middle way," paulit-ulit na binanggit nito ang"kalakihang Tibet." Sa kasaysayan ng paghahati ng administratibong rehiyon ng Tsina, walang alinmang batayan ang"kalakihang Tibet," at ito ang produkto ng pagsalakay ng kanluraning kolonista sa Tsina.
Tinukoy pa ng white paper na umaasa ang pamahalaang Tsino na tumpak na pakikitunguhan ng Dalai group ang katotohanan, iwawasto ang kamalian, at pipiliin ang obdiyektibong landas, para gumawa ng mga bagay na makakabuti sa mga mamamayang Tibetano.
Salin: Vera