Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga dahilan ng pananalakay ng Hapon sa mga bansa ng Timog-silangang Asya noong WWII: bahagi 3, serye ng espesyal na ulat ng CRI

(GMT+08:00) 2015-08-27 17:26:42       CRI

Ngayong taon ay ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII). Upang lagumin ang aral at pagdurusa na dulot ng digmaan sa sangkatauhan at pahalagahan ang kapayapaan, ilalabas ng China Radio International (CRI) ang serye ng ulat. Sa episode na ito, ibabahagi namin sa inyo kung bakit nanalakay ang Hapon sa mga bansa ng Timog-silangang Asya noong WWII.

Noong ika-7 ng Disyembre, 1941, inilunsad ng hukbong Hapones ang Pacific War sa pamamagitan ng pag-atake sa Pearl Harbor, Hawaii, Amerika, at wala pang kalahating taon, sinakop nito ang Timog-silangang Asya.

Bahagi ng panlahat na estratehiya ng pananakop ng Hapon

Ipinalalagay ni Zhou Yongsheng, propesor ng China Foreign Affairs University na ang pananalakay ng Hapon sa Timog-silangang Asya ay bahagi ng kanyang kabuuang estratehiya ng pananakop sa daigdig. Noong WWII, nag-anib ang Hapon, Alemanya at Italya bilang Axis Powers para magkakasamang sakupin ang buong mundo. Upang maisakatuparan ang nasabing target, itinakda ng hukbong Hapones ang estratehiyang mapanalakay pahilaga, estratehiya pakanluran at estratehiya patimog. Ang estratehiya patimog nito ay para sakupin ang Timog-silangang Asya at timog-kanluran ng Pasipiko, at itatag ang The Greater East Asia Coprosperity Sphere.

Sumang-ayon dito si He Xincheng, mananaliksik ng Academy of Military Science of the Chinese People's Liberation Army. Ipinaliwanag niyang ang The Greater East Asia Coprosperity Sphere ay sumaklaw sa Tsina, Hilagang Korea, mga bansa ng Timog-silangang Asya, Australia, New Zealand at India. Idinagdag pa niyang ang layunin ng Hapon sa pananakop sa nasabing mga bansa ay para maging bagong hegemonista sa Asya kung saan ang Pransya, Britanya, Netherlands at Amerika ay nagsilbing kolonista.

Pagkamkam sa likas na yaman at human resources

Ipinalalagay naman ni Xu Liping, dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences na ang isa pang dahilan ng pananakop ng Hapon sa mga bansa ng Timog-silangang Asya noong WWII ay para kamkamin ang likas na yaman at human resources. Aniya pa, mayaman ang mga bansa ng Timog-silangang Asya sa mga likas na yaman na gaya ng langis, goma, pagkain at mina. Bukod dito, may 150 milyong populasyon noon ang rehiyon. Idinagdag pa ni Xu na kinulang ang hukbong Hapones sa nasabing resources dahil sa mabilis na ekspansyon nito, matagal na pananalakay at pananakop nito sa Tsina, at pagpi-freeze ng Amerika sa ari-arian nito. Noong Setyembre, 1931, sinimulan ng hukbong Hapones ang pananalakay at pananakop sa Tsina. Pero, ang mga inagaw na resources nito mula sa Tsina ay hindi nakapagbigay ng sapat na suporta sa malawakang ekspansyon nito.

Isinasagawang hakbang ng mga makakanang Hapones, alerto sa daigdig

Ipinalalagay naman ni Zhang Xuegang, mananaliksik ng China Institutes of Contemporary International Relations (CICIR) na ang pagpapalawak ng Hapon ng espasyo ng eksistensya noong WWII ay siyang tanging pamamaraan na nauwi sa pagkatalo nito.

Batay sa 1943 Cairo Declaration at 1945 Potsdam Proclamation, makaraang sumuko ang Hapon noong 1945, ibinalik nito ang mga sinakop na lupa sa mga may-kinalamang bansa at binalangkas din nito ang Konstitusyong Pangkapayapaan. Pero, sa kasalukuyan, ang mga makakanang Hapones ay nagsasagawa ng mga hakbangin laban sa nasabing Konstitusyon na gaya ng pag-alis ng pagbabawal sa collective self-defense at pagbalangkas ng Security Bill. Nagsisilbi aniya itong alerto sa buong daigdig.

Tagapagsalin/Editor: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>