Sa darating na ika-9 ng Setyembre, ang pag-upo sa trono ni Queen Elisabeth II ay aabot sa 63 taon at 216 araw, mas matagal kaysa kanyang grandmother na si Queen Victoria, na naghari ng 63 taon.
Napag-alamang bilang paggunita sa nasabing espesyal na petsa, idaraos ang eksbisyon sa palasyong Holyroodhouse sa Edinburg ng UK. Ididispley ang lahat ng litrato ni Queen Elisabeth pagkaraang iluklok siya sa trono.
Bukod dito, sa Setymebre, bubuksan ang Windsor Castle, ihahandog ang picnic at patutugtugin ang mga classical na musika noong 1950s para magbigay-saya sa mga bisita.
Walang anumang espesyal na plano sa araw na ito si Queen Elisabeth, kasama ni Prinsipe Philip, dadalo siya sa isang serye ng aktibidad tulad ng dati.