Sinabi kahapon ni Prawut Thawornsiri, tagapagsalita ng panig pulisya ng Thailand, na itinanggi ng dinakip na suspek na may kaugnayan siya sa kaso ng pagsabog sa Erawan Shrine sa Bangkok.
Sinabi ng naturang tagapagsalita na "hindi lubos na nakikipagtulungan" ang suspek sa imbestigasyon. Ipinalalagay din niya na posibleng nabibilang ang nasabing suspek sa isang human trafficking ring. Tinutulongan aniya ng suspek ang mga illegal immigrants sa pagkuha ng pekeng dokumento. Aniya pa, isinagawang pambobomba ay naglalayong bigyang-ganti ang pagbibigay-dagok kamakailan ng panig opisyal ng Thailand sa human trafficking.
Hanggang sa ngayon, pinabulaanan ng panig opisyal ng Thailand na may kaugnayan ang kaso ng pagsabog sa pandaigdigang teroristikong organisasyon.
Salin: Li Feng