|
||||||||
|
||
Ngayong taon ay ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII). Upang lagumin ang aral at pagdurusa na dulot ng digmaan sa sangkatauhan at pahalagahan ang kapayapaan, ilalabas ng China Radio International (CRI) ang serye ng ulat.
Layunin ng paggunita: Iwasan ang pag-ulit ng digman at pahalagahan ang kapayapaan
Bilang paggunita sa okasyong ito, idinaos, idinaraos at idaraos sa Tsina at mga bansa ng Timog-silangan Asya ang serye ng aktibida. Gaganapin sa Tsina ang V-Day Parade sa ika-3 ng darating na Setyembre, kung saan lalahok ang mga kinatawan mula sa iba't ibang bansa. Ipinagdiinan ni Zhang Xuegang, mananaliksik ng China Institutes of Contemporary International Relations (CICIR), na ang pagdaraos ng nasabing aktibidad ng iba't ibang bansa ay naglalayong tandaan ang kasaysayan, iwasan ang muling pagganap ng digmaan at pahalagahan ang kapayapaan. Ipinagdiinan ni Zhang na sa pamamagitan ng mga akibidad, gugunitain ang lahat ng mga nagbuwis ng buhay noong WWII, na kinabibilangan ng mga inosenteng mamamayang Hapones.
Magkakasamang pakikibaka laban sa pananalakay ng Hapon ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya
Sinabi naman ni He Xincheng, mananaliksik ng Academy of Military Science of the Chinese People's Liberation Army na sa magkakasamang pagsisikap ng mga mamamayan ng Tsina at mga bansa ng Timog-silangang Asya, natalo ang mga mananalakay na Hapones sa mga battle field sa Asya-Pasipiko noong WWII.
Noong ika-18 ng Setyembre, 1931, dahil sa pananalakay ng Hapon, nanguna ang Tsina sa pakikibaka laban sa mga militaristang Hapones. Ito ay itinuring bilang pagsisimula ng Pandaigdig na Digmaan laban sa Pasismo. Nakisangkot din ang mga sundalong Tsino sa mga labanan sa ibayong dagat para mabigyang-dagok ang panalalakay ng Hapon. Halimbawa, dalawang beses na nagpadala ang Tsina ng mga hukbo sa Myanmar para tulungan ang huli sa pakikibaka laban sa mga mananalakay na Hapones.
Samantala, ang mga sundalo mula sa lahat ng mga bansa ng Timog-silangang Asya na kinabibilangan ng Biyetnam, Laos, Kambodya, Myanmar, Thailand, Malaya, Pilipinas, Indonesia ay nagtungo rin sa Tsina para tulungan ang mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon. Nagbigay rin sila ng tulong na materyal sa mga mamamayang Tsino.
Tsina, ASEAN magkasamang lilikha ng magandang kinabukasan
Ngayong taon ay ika-12 anibersaryo sapul nang itatag ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang estratehikong partnership. Ipinalalagay ni Zhang na noong WWII, magkakasamang lumaban ang Tsina at mga bansang ASEAN sa mga mananalakay na dayuhan. Ipinagdiinan niyang sa kasalakuyan, may responsibilidad din ang Tsina at mga bansang ASEAN na magkakasamang pangalagaan ang katatagan at kapayapaan ng rehiyon.
Tagapagsalin/tagapag-edit: Jade
Tagapagpulido: Mac
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |