|
||||||||
|
||
Noong panahon ng WWII, halos lahat ng mga bansa sa Timog-silangang Asya ay nasa ilalim ng paghaharing kolonyal ng mga bansang kanluranin na gaya ng Britanya, Amerika, Pransya, the Netherlands, at iba pa. Noong ika-7 ng Disyembre, 1941, inilunsad ng Hapon ang Pacific War. Sa loob ng 6 na buwan pagkaraan nito, tinalo ng Hapon sa labanan ang mga ibang bansa sa Timog-silangang Asya, sinakop ang rehiyong ito, at isinagawa rin ang paghaharing kolonyal. Pero, sinabi ng Hapon na pinalaya nito ang mga bansa sa Timog-silangang Asya. Sa katotohanan, ang pananalitang ito ay para pagandahin ang adhikain ng pananalakay ng Hapon.
Ang Hapon ay bagong kolonista sa Timog-silangang Asya
Sinabi ni Zhou Yongsheng, propesor ng China Foreign Affairs University, na noong WWII, pinairal ng Hapon ang militarismo, at dahil dito, mas malaki ang ambisyon ng Hapon, at mas malupit ito kaysa mga bansang kolonista. Ani Zhou, hinalinhan lamang ng Hapon ang mga dating bansang kolonista sa Timog-silangang Asya, at walang pagkakaiba ang ginawa ng Hapon at naturang mga bansa, kaya walang katwiran ang sinabi ng Hapon na pinalaya nito ang Timog-silangang Asya.
Sinabi naman ni Li Zongyuan, Pangalawang Puno ng Museum of the War of Chinese People's Resistance Against Japanese Aggression, na ayon sa mga katotohanang pangkasaysayan, pagkaraang sakupin ang mga bansa sa Timog-silangang Asya, pinaslang ng tropang Hapones ang mga mamamayang lokal, inapi sila, at dinambong ang mga yaman ng mga bansang ito. Ani Li, ang mga ginawa ng Hapon ay walang dudang pananalakay, at hindi pagpapalaya.
Cultural at ideological colonization ng Hapon sa Timog-silangang Asya
Sinabi ni Xu Liping, dalubhasa mula sa Chinese Academy of Social Sciences, na pagkaraang sakupin ang mga bansa sa Timog-silangang Asya, pinalaganap ng Hapon ang sariling kultura at mga ideya sa lokalidad, para alisin ang impluwensiya ng mga dating bansang kolonista. Ani Xu, ito ay tinatawag na cultural at ideological colonization, at ito ay isang mapanlinlang na paraang madalas na isinagawa ng sumunod na kolonista.
Pero sa bandang huli, napagtanto ng mga mamamayan sa Timog-silangang Asya ang tunay na mukha ng Hapon bilang mananalakay at kolonista. Ginawa ni Propesor Zhou Yongsheng ang halimbawa ni General Aung San ng Myanmar. Noong simula, nilinlang si General Aung San, dahil sa mga sinabi ng Hapon na magbibigay-tulong sa pagpapalaya ng Myanmar, at nakipagtulungan siya sa tropang Hapones para sa pakikibaka sa tropang Britaniko. Pagkaraang sakupin ng Hapon ang Myanmar, napagtanto ni General Aung San na lalo pang malupit ang paghaharing kolonyal ng Hapon, kaya nakipagtulungan naman siya sa tropang Britaniko, para sa paglaban sa tropang Hapones.
Tunay na pagpapalaya sa Timog-silangang Asya
Napalaya ang Timog-silangang Asya, sa pamamagitan ng paglaban ng mga mamamayang lokal sa mga mananalakay na Hapones, at pagtamo ng tagumpay ng WWII. Sa Cairo Declaration at Potsdam Proclamation, inilakip ang malinaw na kahilingan sa Hapon na umurong mula sa mga sinakop na lupa. Inilitis din ang mga war criminal na Hapones sa International Military Tribunal for the Far East. Ipinakikita ng mga katotohanang ito na ang mga militaristang Hapones ay mananalakay, sa halip ng tagapaglaya.
Salin: Liu Kai
v E-commerce ng Tsina, positibong oportunidad para sa mga produktong Pilipino 11-12 13:05 |
v Pagbubukas at pag-unlad ng distrito ng Pudong, Shanghai, maaaring matutunan ng Pilipinas – Embahador Jose Santiago Sta. Romana 11-11 16:19 |
v Xi Jinping: Pag-unlad ng Tsina at daigdig, hindi dapat paghiwalayin 11-10 21:12 |
v Xi Jinping, lubos na pinahahalagahan ang inklusibo at sustenableng pag-unlad 11-10 19:45 |
Louis Marquez: Shenzhen, magiging lider sa teknolohiya sa buong mundo; pamumuhay sa lunsod, isang biyaya-Mga Pinoy sa Tsina |
Bagong semestre, nagsimula; mga DIY na regalo mula sa mga mag-aaral, inihandog sa mga gurong Pilipino sa Shanghai |
Bong Antivola: 2020 CIFIT hudyat sa kahanga-hangang pagbangon ng Tsina sa gitna ng pandemiya; mamumuhunang Tsino malaki ang interes sa pakikipagkooperasyon sa Pilipinas |
Dandy Menor: 19 na taong paninirahan sa Shenzhen, di mapapantayan-Mga Pinoy sa Tsina |
More>> |
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |