Idinaos kamakailan sa Mandalay, Myanmar, ang 3 araw na pagtatanghal ng mga litrato bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII). Ang tema nito ay "Manalagin para sa Kapayapaan ng Daigdig, huwag Kakalimutan ang Karanasan."
Sinabi ni Wang Yu, Consul General ng Tsina sa Mandalay, na ang pagtatanghal ng mga litrato ay naglalayong maalaala ang kasaysayan, makapulot ng aral ng kasaysayan, at matatag na pangalagaan ang kasalukuyang kapayapaan. Aniya, ang Tsina at Myanmar ay mahalagang bahagi ng kasaysayan ng WWII, at nagbigay ang mga mamamayan ng dalawang bansa ng di mabuburang ambag sa Anti-Fascist War ng Asya at buong daigdig.
Sa kanyang talumpati, sinabi niU Po Myint, Puno ng Samahan ng Mandalay sa Pagkakaibigan ng Myanmar at Tsina, na ang pagalala sa kasaysayan ay makakabuti sa pag-iwas na muling tahakin ang landas ng digmaan. Umaasa siyang gaganap ang pagtatanghal na ito ng ganitong papel.
Salin: Andrea