Isang pulong hinggil sa paglahok sa ika-12 China-ASEAN Expo (CAExpo) ay idinaos kahapon sa Vientiane ng Ministri ng Industriya at Kalakalan, Pambansang Asosasyon ng Kalakalan at Industriya ng Laos. Dumalo sa pulong si Phan Vilaisom, Puno ng Departamento ng Pagpapasulong at Pagpapaunlad ng Paninda ng Ministri ng Industriya at Kalakalan ng Laos, Davon Phajanthavong, Pangalawang Puno ng Pambansang Asosasyon ng Kalakalan at Industriya ng Laos, at mga kinatawan mula sa 71 bahay-kalakal ng bansang ito.
Ipinahayag ni Phan Vilaisom na ang layon ng nasabing pulong ay gumawa ng paghahanda para lumahok sa ika-12 CAExpo.
Ayon sa ulat, ang ika-12 CAExpo ay gaganapin mula ika-18 hanggang ika-21 ng susunod na buwan.
Salin: Li Feng