Nakipagtagpo kahapon ng hapon sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Pangulong Choummaly Sayasone ng Laos.
Sinabi ni Li na nakahanda ang Tsina, kasama ng Laos, na aktibong isagawa ang kooperasyon sa konstruksyon ng imprastruktura, pagmimina, agrikultura, at iba pang aspekto. Umaasa rin siyang, bilang tagapangulong bansa ng ASEAN sa susunod na taon, pasusulungin ng Laos ang kooperasyon at koordinasyon ng Tsina at mga bansang ASEAN, para pataasin ang lebel ng relasyong Sino-ASEAN, at pangalagaan ang kapayapaan, katatagan, at kasaganaan sa rehiyong ito.
Ipinahayag naman ni Choummaly na kailangang ibayo pang palalimin ang kooperasyon ng Laos at Tsina. Nakahanda rin aniya ang Laos na patuloy na magsikap para pasulungin ang relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Liu Kai