Noong unang kuwarter ng taong ito, lumaki ng 5.2% ang kabuhayan ng Pilipinas kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Ito ang naging pinakamababang paglago sa isang kuwarter nitong nakalipas na 3 taon.
Ipinahayag kamakailan ng National Economic and Development Authority (NEDA) na ang dahilan nito ay ang mabagal na paglaki ng public expenditure ng pamahalaan kaysa nakatakdang plano. Bukod dito, may pagbaba rin sa aspekto ng gugulin sa konstruksyong pampubliko. Anang NEDA, ito ang naging pinakadirekta at pinakamalaking hamong kinakaharap sa paglago ng kabuhayan ng bansa. 7% hanggang 8% ang target ng paglaki ng kabuhayan sa kasalukuyang taon na itinakda ng pamahalaan.
Salin: Vera