Ayon sa estadistika na isinapubliko kahapon ng National Economic Development Authority ng Pilipinas, ipinakikita nitong noong nagdaang Oktubre, ang kabuuang halaga ng pag-aangkat ng bansa ay lumaki ng 7.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon. Kabilang dito, umabot sa 852 milyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat ng Pilipinas mula sa Tsina, at ang Tsina ay nagsisilbing pinakamalaking pinanggagalingan ng pag-aangkat ng Pilipinas.
Ayon pa sa estadistika, noong unang 10 buwan ng kasalukuyang taon, umabot sa 6.6 bilyong dolyares ang halaga ng pag-aangkat ng Pilipinas mula sa Tsina. Ito anito ang katumbas ng 14.9% ng kabuuang halaga ng pag-aangkat ng Pilipinas sa panahong iyon.
Salin: Li Feng