Sa kanyang talumpati sa parada bilang paggunita sa ika-70 anibersaryo ng pagtatapos ng World War II (WWII), ipinakita ng Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang determinasyon ng Tsina sa pag-alaala sa kasaysayan at pagtatanggol ng kapayapaan. Ipinatalastas pa niyang hindi maghahari-harian ang Tsina, at babawasan ng 300,000 tauhan ang tropa, kung saan ibayo pang ipinakita ang pangangalaga ng Tsina sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig. Nakatawag ang talumpati na ito ng maraming pansin at pagpuri ng komunidad ng daigdig.
Sinabi ni Luis Echeverría, dating Pangulo ng Mexico, na ang talumpati ni Pangulong Xi ay nagpakita ng magandang mithiin ng mga mamamayang Tsino sa pagmamahal sa kapayapaan, pangangalaga sa katatagan at kasaganan ng daigdig.
Sinabi ni Orchin Adara, nanunuparang Direktor ng Porum ng Kapayapaan ng Aprika, na tumulong ang Tsina sa pagsasarili ng mga bansa sa paghahari ng ibang bansa. Aniya, hinangad ng Tsina ang pangangalaga sa kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at naaapektuhan ng pag-unlad nito ang pagtahak ng mas maraming bansa sa landas ng mapayapang pag-unlad.
Sinabi ni Christian Poirot, kilalang pintor ng Pransya, na para sa isang nasyon na nakaranas sa maraming kahirapan at malaking kasuwalti sa digmaan, ang pagdaraos ng parada ay hindi para ipakita ang dahas o hamon, sa halip, gunitain ang kasaysayan at mga bayani.
Salin: Andrea