Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagluluksa para sa mga pinaslang na manggagawang Tsino sa 1923 Great Kanto Earthquake, idinaos sa Tokyo

(GMT+08:00) 2015-09-07 15:18:03       CRI
TOKYO, Hapon—Idinaos kahapon ang seremonya ng pagluluksa para sa mahigit 700 manggagawang Tsino na pinaslang pagkaraan ng Great Kanto Earthquake, noong 1923.

Lumahok dito ang mga kinatawan ng mga naulilang kamag-anakan ng mga pinaslang na mangganggawang Tsino, opisyal mula sa Pasuguang Tsino sa Hapon, mga Chinese-Japanese, at mga kinatawan mula sa iba't ibang sektor ng Hapon.

Hiniling ng mga kalahok sa administrasyon ni Shinzo Abe na humingi ng paumanhin sa mga biktima at kanilang mga kamag-anakan at ibigay ang makatwirang kompensasyon. Hinimok din nila ang pamahalaang Hapones na itayo ang monumento bilang paggunita sa nasabing pamamaslang at isulat sa teksbuk ang may-kinalamang kasaysayan.

Noong unang araw ng Setyembre, 1923, niyanig ang Hapon ng 7.9 magnitude na Great Kanto Earthquake. Mahigit 140,000 mamamayang Hapones ang namatay at nawawala sa pinakamalakas na lindol sa kasaysayan ng bansa. Pagkaraan ng lindol, sa pangangatwiran ng pangangalaga sa kaayusan, inorganisa ng pamahalaang Hapones noong panahon ang mga sundalo at pulis para paslangin ang mga manggagawa at mangangalakal na Tsino sa Hapon. Kabilang sa mga pinaslang ang 700 manggagawa at mangangalakal na Tsino na galing sa Zhejiang, lalawigan sa dakong silangan ng Tsina. Kasama ang mga pinatay na Tsino, ilang libong Koreano ang pinaslang din. Noong 1924, inilabas ng Gabineteng Hapones noon ang plano ng kompensasyon para sa mga pinaslang na dayuhan noong 1923, pero, hanggang sa kasalukuyan, hindi pa natupad ang nasabing kompensasyon.

Kuha ng 19 na kamag-anak ng mga pinaslang na Tsino sa 1923 Great Kanto Earthquake bago sila nagtungo sa Hapon, mula sa Wenzhou, siyudad ng lalawigang Zhejiang sa dakong silangan ng Tsina. Mababasa sa poster na bitbit nila ang "Ipaalam ang katotohanan hinggil sa pagpaslang sa mga mamamayang Tsino noong 1932 Great Kanto Earthquake." Larawang kinunan noong ika-4 ng Setyembre, 2015. Photographer: Pan Zhuping (source: http://epaper.wzsee.com/article.php?date=2014-09-05&lid=04&id=200251)

Tagapagsalin/Tagapag-edit: Jade

Tagapagpulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>