|
||||||||
|
||
Sa ngalan ng Samahan ng mga Manggagawang Tsino na Sapilitang Binihag sa Hapon noong World War II (WWII), nagpadala ng liham ang Pederasyon ng Reklamong Sibil ng Tsina laban sa Hapon para humingi ng kompensasyon mula sa Mitsubishi Cooperation.
Hiniling ng Pederasyon sa Mitsubishi na aminin ang pang-aapi sa mga manggagawang Tsino, pagsisihan ito, bukas na humingi ng paumanhin mula sa mga biktima, at bigyan ng kompensasyon ang mga biktima na nagkakahalaga ng mahigit tatlong daang milyong Yuan (50 milyong dolyares).
Ipinagdiinan ng Pederasyon na dahil matanda na ang mga survivor at patuloy na kumokonti ang bilang ng mga ito, kailangang sumagot kaagad sa nasabing kahilingan ang Mitsubishi.
Noong WWII, humigit-kumulang sa 40,000 Tsino ang pinilit ng mga kompanyang Hapones na magtrabaho sa mga minahan, daungan at lugar ng konstruksyon. Mahigit 3,000 sa mga ito ang nabusabos ng Mitsubishi. Ang Mistsubishi ay isa sa 35 kompanyang Hapones na nang-api sa mga manggagawang Tsino noong WWII.
Halos pitong dekada ang nakaraan, hindi pa humihingi ng paumahin sa mga biktima ang Mitsubishi, at wala rin itong ibinibigay na kompensasyon.
Sinimulan na ng Pederasyon ang proseso ng paghingi ng kompensasyon mula sa Mitsubishi noong 1990s. Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |