Inulit kahapon ni Hong Lei, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang layunin ng pagdaos ng V-Day commemoration noong ika-3 ng Setyembre ay para gunitain ang Ika-70 Anibersaryo ng Pagtatapos ng Digmaan ng mga Mamamayang Tsino laban sa Pananalakay na Hapones at Pagtatapos ng World War II (WWII), alalahanin ang mga nagbuwis ng buhay para sa kapayapaan at pangalagaan ang kapayapaan.
Ipinahayag ito ng tagapagsalitang Tsino sa regular na preskon kahapon bilang tugon sa pananalita kamakalawa ni Peter Paul Galvez, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Pambansang Depensa (DND) ng Pilipinas.
Ayon kay Galvez, winiwelkam ng DND ang pahayag ng lideratong Tsino sa pangangalaga sa kapayapaan, pero, kinuwestsyon nito ang pagpapakita ng Tsina ng mga sandata sa V-Day Parade.
Idinagdag pa ng tagapagsalitang Tsino na sa V-Day commemoration, ipinadala ng Tsina ang malinaw na mensahe sa daigdig na buong tatag na pangalagaan ang kapayapaang nahirapang matamo.
Sinabi rin niyang sa talumpati ni Pangulong Xi Jinping sa nasabing okasyon, ipinangako niyang hindi kailanman magsasagawa ang Tsina ng hegemonya o espansyon ng teritoriyo, at hindi kailaman ipapataw ng Tsina ang naranasan nitong pagdurusa sa ibang bansa.
Aniya pa, upang ipakita ang resolusyon ng Tsina na pangalagaan ang kapayapaan, ipinatalastas din ni Pangulong Xi na babawasan ng Tsina ng 300,000 sundalo ang hukbo.