Anong puwedeng magawa sa isang papel? Para sa nakararaming tao, baka puwedeng gumawa ng isang bapor o eroplano, pero, para kay Qin Kun, isang kabataang isinilang noong 1992, puwedeng ilupi ni Qinang isang papel para likhain ang lahat ng bagay na makikita niya at hindi kailangang gumamit ng scissors, glue at iba pang kagamitan.
Mula pagkabata, gustong gusto ni Qin na magtupi ng papel, madalas na gumagawa siya ng bapor, ibon at iba pang maliit na bagay na nagpabilib sa kanyang mga kaklase. Nang tumanda, hindi nawala ang kanyang interes sa pagtupi ng papel at mas pinarami ang kaalaman dito. Noong 12 taong gulang, pagkaraang makita niya ang isang litrato ng lupi ng papel na kaloob ng isang artistang dayuhan, ipinasiya niyang maging isang master sa paper folding.
Ayon kay Qin, hindi tulad ng tradisyonal na paglulupi, ang modernong paglulupi ay nangangailangan ng maraming imahinasyon at pagbibilang. Halibawa, mayroon isang paper dragon sa mesa ng kanyang opisina, bago lupian ito, dapat mag-drowing si Qin ng 9 libong linya sa isang 2 metrong haba na papel, tapos, kailangang bilangin kung gaano karaming sala-sala ang dapat gamitin para tapusin ang isang bahagi.
Sa kasalukuyan, itinatag na ni Qin ang kauna-unahang organisasyon ng paglulupi sa loob ng mainland Tsina at umaasa siyang may mas maraming mamamayan na mag-fall-in-love sa paper folding