|
||||||||
|
||
Ang unang hinto nila ay Suzhou, siyudad na may mahigit 2,500 taong kasaysayan, sa lalawigang Jiangsu sa dakong silangan ng Tsina. Tinagurian ang Suzhou ng mga mamamayang Tsino bilang "Paraiso sa Mundo" na kilala sa mga sinaunang gusali at magagandang katubigan.
Kabilang sa delegasyon sina Herman Tiu Laurel at Ferdinand Pasion ng GNN Television, Carmen Pedrosa at Wilson Lee Flores ng Philippine Star, Willard Cheng ng ABS-CBN News, Ellen Tordesillas ng Malaya, Maria Katrina Stuart Santiago ng Manila Times, Serafin Ledesma Jr. ng Mindanao Journal, mga mamamahayag na sina Rod Kapunan at Adolfo Paglinawan, at ang team ng CRI Serbisyo Filipino.
Sulyapan natin ang mga larawang nagtatampok sa mga mamamahayag para malaman ang hinggil sa kaakit-akit na siyudad na Suzhou.
Pananda ng pasukan ng sinaunang bahagi ng Suzhou
Mga sinaunang gusali sa kahabaan ng ilog na tumatawid sa siyudad
Bangkang pampasahero sa ilog
Namamasayal ang mga mamamahayag na Pilipino sa sinaunang bahagi ng Suzhou
Tulay na may 500 taong kasaysayan, kung saan
Ilan sa mga mamamahayag na kumukuha ng larawan at nakikinig sa salaysay na tour guide (sa kanan na naka-backpack)
Tanawin mula sa tulay
Bumibisita ang mga mamamahayag sa mga matandang tindahan sa kahabaan ng makitid na alley
Tara, bisita tayo sa mga sinaunang panirahan!
Salaysay hinggil sa isa sa mga sinaunang panirahan
Nagpapahinga sa rickshaw si Carmen Pedrosa ng Philippine Star
Si Wilson Lee Flores ng Philippine Star bilang tsuper ng rickshaw, si Carmen Pedrosa ng Philippine Star bilang pasahero, kasama si Herman Tiu Laurel ng GNN Television
Sa loob ng sinaunang panirahan
Tanawin ng hardin ng sinaunang panirahan
Group photo ng mga mamamamahayag sa pavilion sa sentro ng lawa sa hardin ng sinaunang panirahan
Huling kuha bago magpaalam sa sinaunang Suzhou
Ulat: Ernest/Melo
Editor: Mac/Jade
Photographer: Ernest/Melo
| ||||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |