|
||||||||
|
||
Delegasyon ng mga mamamahayag na Pilipino, kasama sina Direktor An Xiaoyu (nasa gitna) ng Southeast Asia Broadcasting Center at Direktor Xian Jie (pinaka-kaliwa) ng Serbisyo Filipino
Dumalaw kaninang umaga ang delegasyon ng mga mamamahayag na Pilipino sa China Radio International.
Nagbibigay si Direktor An ng mensaheng panalubong
Sa kanyang mensaheng panalubong sinabi ni Direktor An Xiaoyu ng Southeast Asia Broadcasting Center na ikinalulugod niyang tanggapin ang grupo bilang kaibigan, panauhin at kapamilya.
Nag-uusap ang mga mamamahayag na Pilipino at CRI staff
Matapos ibahagi ang mga layunin ng CRI, partikular ang mga programa ng Serbisyo Filipino, binanggit ni Direktor An na inaasahan niya ang pagkakaroon ng pakikipagtulungan sa iba't ibang media ng Pilipinas.
Sang-ayon ang kapwa panig sa mahalagang papel ng media para isulong ang people to people exchanges.
Willard Cheng
Ayon kay Willard Chen ng ABS-CBN News, bilang mamamahayag "Mahalaga na magkaroon ng pagkakaunawaan. Mahalaga unang-una ihatid yung tama na impormasyon at maging responsible sa ating pag-uulat para hindi humantong sa hindi pagkakaunawaan."
Wilson Lee Flores
Para naman kay Wilson Lee Flores, pinaka-highlight ng byahe ng delegasyon ang pagdalaw sa Shandong sa puntod ng Sultan ng Sulu. Aniya magandang ipaalam sa mga Pilipino ang mahabang kasaysayan ng pagkakaibigan ng mga Tsino at Pilipino na mas nauna pa sa pagdating ng mga Kastila. Gagamitin niya ang kanyang column sa Philippine Star at maging ang social media para ipaalam ang mga totoong kaganapan sa Tsina dahil aniya mas maraming alam ang publikong Pilipino sa mga nangyayari sa California o New York kaysa Tsina at Asya.
Ellen Tordesillas
Ayon kay Ellen Tordesillas ng Malaya, hindi siya diplomat pero bilang isang mamamahayag, sa pamamagitan ng paglalahad ng katotohanan maaring lumabas ang mubuting samahan. Ibabahagi niya sa mga mambabasa ang kanyang pagkamangha sa sulong na sistema ng daang-bakal ng Tsina at ang kwento ng Sultan ng Sulo na patotoo sa establisadong sistema ng pamahalaan sa Pilipinas, na nagsasagawa na ng diplomatic visits bago pa man dumating ang mga Kastila.
Ulat: Mac
Photographer: Vera/Ernest
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |